Bumbero bawal mamasko

PARA maiwasan na makapanghingi ng pamasko, pansamantalang sinuspindi ng Bureau of Fire Protection ang “routinary fire safety inspection” sa Metro Manila.

Sa isang memorandum, ipinag-utos ni Senior Supt. Pablito D. Cordeta, direktor ng BFP sa National Capital Region, na ihinto ang pagsasagawa ng “inspection” sa mga establisimyento gaya ng malls, commercial buildings, restaurant, amusement parks at hotels mula Disyembre 15 hanggang Enero 15.

Ang kautusan ni Cordeta ay inilabas upang maiwasan ang hinala na ginagamit lamang sa panghihingi ng pamasko ang pag-iinspeksyon sa mga establisimyento ngayong Pasko.

Ayon kay Cordeta, hindi kasama sa kanyang kautusan ang mga establisimyento na may reklamo, gusali na may pending applicaton, gusali na nag-a-apply ng occupancy permit  at “structures in imminent danger.”

“Those who violate this directive shall be dealt with accordingly,” ani Cordeta.

Kaugnay nito, nanawagan si Cordeta sa publiko na maging mapagbantay dahil ang buwan ng Disyembre ay isang “high risk month” sa sunog.

Sinabi ng direktor na ang firecracker factories, hospitals, universities, malls at squatter areas ay “prone” sa sunog sa ganitong panahon. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply