Buntis nanganak sa palengke

NAGULAT ang mga namamalengke sa isang supermarket sa Quezon City makaraang biglaang manganak ang isang babae sa kalye, umaga ng Sabado.

Batay sa report ng dzBB’s, kahit ang bagong ina na si Rosalinda Vargas ay nabigla nang iluwal niya ang kanyang sanggol na anak na babae malapit sa isang supermarket sa Commonwealth Avenue.

Ayon sa isang witness, nakita niya si Vargas na nagulat na lamang nang lumabas ang anak nito. Agad namang tumawag ang mga bystanders sa 117 kung saan rumesponde ang Red Cross Quezon City chapter sa pinangyarihan.

Dinala ng ambulansya si Vargas at ang kanyang anak sa East Avenue Medical Center para sa medical assistance.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply