Bus nahulog sa tulay, 1 patay, 19 sugatan

ISA ang patay habang 19 ang sugatan makaraang mahulog ang isang bus sa tulay ng bayan ng Patnongon, Antique, Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng dzBB, patungo ng Iloilo province ang Ceres bus (plate number MVJ-475)  galing sa bayan ng Caticlan, Aklan nang mahulog ito sa tulay.

Ayon sa drayber ng naturang bus na si Floren Condia, 42, nawalan ng preno ang sasakyan kung kaya hindi ito napigilang nahulog.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na namatay sa aksidente si Rodrigo Sayson, 50, ng San Joaquin, Iloilo habang limang pasahero ang malubhang nasugatan at sumasailalim sa surgery. Dinala ang mga sugatan sa hospital sa Iloilo upang bigyan ng karampatang lunas.

Ayon sa isang pasahero, biglang bumilis ang takbo ng bus bago mangyari ang aksidente kung saan tuluy-tuloy itong nahulog sa ilog na may 20 feet ang taas mula sa national highway.

Kasama naman si Condia at ang konduktor na si Jan Alviola sa nasugatan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply