Caloocan ABC elections plantsado na

CALOOCAN CITY – MATUNOG ang balitang buo na ang pwersa ng tunay na magiging boses ng mga barangay captains sa lungsod na matagal nang bulag sa totoong nangyayari sa pondo ng barangay sang-ayon sa itinatakda ng Local Government Code (LGC) o ‘Republic Act 7160’.

“Finally, the barangay captains in our beloved city have awaken to reality. Mahabang panahon narin nasa dilim at pinaiikot ang mga kapitan ng lungsod. Ka-isa ako ng mga kabataan at bagong mga lider ng barangay na nagsusulong ng transparency at open books,” ayon kay Congressman Oscar Malapitan ng 1st District-Caloocan City.

Si Malapitan ay nagpahayag ng suporta sa mga bagong halal na barangay chairman sa lungsod matapos mabuo ang grupo ni Grace Park barangay captain Jerrboy Mauricio at UE-Sangandaan Chairwoman Onet Henson na tatakbong president at vice-president ng Association of Barangay Chairman (ABC) sa lungsod.

Si Mauricio ng Barangay 68 ay nasa ikalawang termino na bilang barangay captain ng Grace Park matapos nitong talunin sa nakaraang barangay election si ex-ABC director Joey Silverio.

Si Silverio, tinaguriang ‘chief of staff’ ni National Liga president RJ Echiverri, ay nilamangan ng 215 boto (431-216) sa kabila ng todong suporta ni RJ Echiverri, anak ni Mayor Recom Echiverri, na nakapwesto pa bilang konsehal ng lungsod.

Si Kap. Jerrboy ay apo ng yumaong publisher-reporter Orville Mauricio, na kauna-unahang din halal na kapitan ng Barangay 68 sa Grace Park at kapatid ni Atty. Luis ‘Morik’ Mauricio na matangal din nanungkulang presidente ng Tarlaqueños in Media Association (TAMA) at isa sa founding members ng National Press Club (NPC).

Naniniwala si Kap. Jerrboy Mauricio na dapat sundan ang matuwid na daan ni Pangulong Noynoy Aquino sa pagbabago at ibigay ang nararapat ng pondo ng mga barangay sang-ayon sa LGC at hindi sa pamamagitan ng palakasan lamang sa nakaupo sa City Hall.

“Wakasan na natin ang pananakot sa mga kapitan at pag-ipit sa pondo ng barangay dahil lamang sa di-pagsunod at pagsuporta sa mga kapritso ng alkalde o bise-alkalde,” sabi naman ni Bgy. 80 Chairwoman Onet Henson, anak ni dating 1st District Congressswoman Aurora ‘Nene’ Asistio-Henson.

Ayon sa Local Government Code, mandatory ang pagbigay ng 30 porsiyento ng collection sa Real Property Tax (RPT) ng lungsod sa barangay kung saan naroon ang ari-ariang binayaran ng buwis. 20 porsiyento naman ang mandatory share ng barangay sa Internal Revenue Allotment (IRA) na tinatanggap ng lungsod sa Metro Manila mula sa national government.

Ang barangay funds na dapat tanggapin na bawat barangay sa Caloocan ay hindi na dapat dumaan pa sa kapasiyahan ng city council o kapasiyahan ng nakaupong alkalde dahil napakalinaw ang nasasaad sa provision ng Local Government Code na mandatory.

Ang Jerrboy-Onet tiket para sa pamunuan ng Liga sa Caloocan City ay suportado rin ni dating Congressman Luis ‘Baby’ Asistio; Carlito Cabochan (anak ni dating 2nd District Rep. Gerry Cabochan); Obet Samson (anak ni ex-mayor Marcial F. Samson); Martin Martinez (anak ng dating mayor Dr. Antonio Martinez); Toti Arcadio at former City Mayor Macario ‘Boy’ Asistio, Jr.

Kabilang sa mga kapitan na sumusuporta sa adhikain ng tambalan Jerrboy-Onet ay sina: Bebot Cruz, Ofelia Borsa, Letty Maturan, Ruben Gatchalian, Eduardo Bade, Nelson Nazareno, Pewee Nicholas, Edmundo Verano, Gregorio del Rosario, Merville Orozco, Rolando Doloso, Boy Celso, and Marcial Oiva.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply