Capiz binaha, 2 patay, 42 katao apektado

TINATAYANG dalawa ang patay habang 42,000 katao ang apektado ng pagbaha bunsod ng malakas na ulan sa Capiz.

Ito ay ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Martes ng gabi.

Batay sa report ng NDRRMC, nalunod si  Richard Diestro, 15, ng Tabuc Sur in Panit-an habang nalunod din si Greggy delos Santos, 10, ng Sitio Ilaya, Dapdapan, Sapian, makaraang mahulog sa tinatawid niyang tulay na kawayan.

Nabatid na binaha ang may 17 bayan ng naturang lalawigan bunsod ng malalakas na pag-ulan na nagsimula pa noong Disyembre 10.

Batay pa rin sa ulat ng NDRRMC, naapektuhan ng naturang pagbaha ang may 8,388 pamilya o tinatayang 42,411katao sa 133 village sa Panay, Pontevedra, Panit-an, Maayon, Sigma, Mambusao, Dumarao, Sapian, Jamindan, Tapaz, Cuartero, Dao at  Roxas City.

Napag-alamang 75 pamilya o 375 katao na ang nananatili sa mga evacuation center galing Pontevedra.

Nasira rin ng naturang pagbaha ang may 522 kabahayan sa Panay habang nasira naman ang agrikultura na tinatayang P701,469.21 ang halaga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply