Cargo vessel, lumubog sa Batanes

LUMUBOG ang isang cargo vessel sa karagatan ng Itbayan Island, Batanaes.

Dahil dito, nagsasagawa na ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lumubog na Panamanian cargo vessel .

Sinabi ng PCG na nagpadala na rin sila ng notice to mariners sa lahat ng sasakyang pandagat matapos ipaalam ng Japan Coast Guard ang paglubog ng MV Hong Wei.

Lilipad naman ngayong araw ang islander plane ng PCG para sa isang aerial surveillance para mahanap ang mga tripulanteng sakay ng barko.

Tutulong din ang Japan Coast Guard sa paghahanap ng barko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply