Carryover sa Super 6

MAY  anim na kabayong layo ang inirehistro ng quarto liyamado sa bentahan na Manila’s Gem (6) at nirendahan ni jockey C.V. Garganta sa race 3 na nagbigay ng P140.00 sa daily double sa races 2-3 na winning combination Daredevil (5) at Manila’s Gem (6) sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Wala namang pinalad na makakuha sa winning combination ng race 3 Super 6 na binubuo nina Manila’s Gem , Long Nose Hawk (7), Supreme Leader (4), Navratilova (9), Sea Master (8) at ang primera liyamadong Late Bloomer (1).

Bunga nito, nagkaroon ng carryover na P64,107.29 na nakaukol dito.

Mula sa ikalimang puwesto ay unti-unting nilamon ng Manila’s Gem ang abante ng Long Nose Hook sa ¼ puwesto sa finish line ng 1,500 meters hanggang tuluyang distansiyahan ng anim na kabayo at tuluyang irehistro ang panalo sa tiyempong 1:38.

Ang primera liyamadong Late Bloomer na giniyahan ni jockey MA Alvarez  a kinapos sa balikatan ay dumating ng pang-anim bitbit ang oras na 1:40. Halagang P101.50 ang ibinigay sa forecast combination na Manila’s Gem at ng segunda liyamado sa tote board na Long Nose Hawk na sinakyan ni class A jockey Pat R. Dilema. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply