Cavs hinagupit ng Celtics

MISTULANG hinagupit ng season-high 23 points ni Rajon Rondo ang Cleveland Cavaliers kahapon nang pataubin ng Boston Celtics sa iskor na 106-87.

Nagtala ng fourth straight win, ang Celtics ay nagwagi sa tulong ng tatlong tres ni Rondo dahilan upang mabaon ang Cavs sa 20-point lead sa fourth.

Si Glen Davis naman ay nagdagdag ng 17 points habang si Marquis Daniels ay naka-16 at si Kevin Garnett ay kumamada pa ng 10 rebounds.

Pinitpit naman ng Philadelphia 76ers ang Portland Trail Blazers sa pamamagitan ng iskor na 88-79 kahapon habang sinikwat naman ng Orlando Magic ang 90-79 victory laban sa Detroit Pistons.

Naghabol ang Philadelphia sa iskor na 72-70 ngunit nakabawi ito sa fourth sa pangunguna ni Andre Iguodala.

Samantala, tinanggap  naman ni Charlotte Bobcats guard Stephen Jackson ang suspensiyon na ipinataw sa kanya ng NBA matapos makipagtalo kay referee Eli Roe sa laro nila sa Milwaukee kung saan mawawalan siya ng halagang $103,000 base sa kanyang $8.45 million salary ngayong season. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply