Ceasefire muna sa banat sa pulitika at meri-meri Krismas sa lahat

DAHIL Pasko na, magsispayr tayo sa mga problema sa lipunan.

Pansamantalang kalimutan natin ang gawa ng mga magnanakaw, lalo na sa hanay ng mga onorabol na talaga namang pahirap kay Juan.

Hahayaan nating silang magpakita ng kanilang mga nakaw na yaman.

Sa Kapaskuhan kasi sila nabubuking, sa totoo lang.

Itinotodo nila ang pagdidispley ng kanilang kasibaan sa kaban ng bayan o  tongpats sa mga kontrata ng pamahalaan.

Matitiis natin ang sispayr. Isang araw lang naman yan.

Pero sasamahan namin kayo, Suki, sa inyong laban sa mga mandurukot,  akyat bahay, sunog, holdaper, holdaper sa lansangan na mga nakauniporme, abusadong drayber, sunog at iba pang panganib sa lansangan at tahanan.

Sasamahan namin kayo na magsumbong sa mga matitinong nakauniporme upang magiging mapayapa at masaya naman ang inyong Pasko.

Pinakamaganda na sama-sama tayong magsaya at magtulungan upang magkaroon ng magandang kabuluhan ang Pasko.

Sama-sama tayo ngayon sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan at sa buhay, pwera sa kamatayan.

Sa totoo lang, mahirap na ihalo ang kamatayan sa usapan. Hi! Hi! Hi!

Ang isang problema rito ay karaniwang walang nagbabasbas na paring jejemon sa mga pumapanaw nating mahal sa buhay at napopospon ang paghahatid natin sa kanila sa huli nilang hantungan.

Napakasaklap ang Paskong mayroon tayong pinaglalamayan.

oOo

SA araw na ito, magpapahinga ang inyong peborit na mga diaryo, ang Remate at Remate Tonight. Pero ngayong araw lamang.

Sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25, muli tayong babalik sa pagtitipa ng mga balita na inyong mababasa at malalaman kinabukasan.

Hindi umuubra ang halidey ekonomiks ni Gloripie sa peryodismo at sa nakararaming media.

Kung kailan nagpapahinga ang marami sa atin, gaya ng araw ng Pasko, siya naman ang pasok ng inyong mga lingkod sa media.

Kahit nga sa mga Banal na Araw, Huwebes Santo at Biyernes Santo,  kahit bakasyon namin, obligado kaming magrekord at kumuha ng mga litrato, mag-isip at kung ano-ano pa para ipalaman sa ating diaryo sa araw ng Sabado Gloria.

Kaya nga, sa oras na may disgrasya sa mga daan, agad na may mga flash report sa mga radio at telebisyon kahit na sila’y nagpapahinga.

Sa mga diaryong may iskeletal por, araw-araw na mababasa ninyo ang mga disgrasya.

Ang mga ipinapako sa krus? Kinokoberan din natin yan at matutunghayan ninyo sa mga diaryo ang kanilang pagtulad nang “aktuwal na pagkakapako kay Kristo.”

Maging ang mga duguang nagpepenitensiya na agad na lumulusong sa ilog at naniniwalang gagaling din sila sa kanilang mga sugat, lalabas at lalabas din sa ating mga pahayagan.

Ang mga pagbabawal sa mga pulitiko na mamulitika sa mga simbahan o sa mga prusisyon, hindi rin makaliligtas sa ating mga pluma at kamera.

Teka nga pala, bakit ba napunta sa Semana Santa ang ating usapan? Hi! Hi! Hi!

Sa pagtanggal ni P-Noy ng halidey ekonomiks ni Gloripie, lalo tayong mawawalan ng bakasyon.

Pero oki lang, sapagkat sa kakaibang serbisyo publiko tayo masaya.

Meri Krismas at ang diwa nito’y mapasainyo nawa. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply