Celtics, Lakers wagi uli!

SA tulong ni Paul Pierce at ng iba pang playmakers ng Boston Celtics ay naikamada nila ang panalo laban sa Indiana Pacers, 99-88, kahapon.

Ito rin ang dahilan upang maunat ang kanilang winning streak sa 13 sunod na panalo.

Si Pierce ay tumipa ng 12 assists habang si Ray Allen ay nagdagdag ng anim pa para sa Celtics.

Ayon kay Rajon Rondo, magandang panalo ito dahil kababalik lang niya sa laro makaraan ang pinsala niya sa kaliwang tuhod.

Samantala, si Kobe Bryant ay umiskor ng 20 points para sa Los Angeles Lakers nang tiba ang Toronto Raptors 120-110.

Si Pau Gasol naman ay kumana ng 19 at ito na ang fifth straight game na nanalo ang grupo.

Samantala, dahil sa matinding atake nina Brook Lopez at Devin Harris ay nanalo ang New Jersey Nets laban sa Atlanta Hawks 89-82.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Nets sa sarili nitong bakuran.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply