Charice Pempengco bagong endorser ni Joel Cruz

MINSAN pa, pinaligaya na naman ni Joel Cruz ang mga taga-PMPC nang tapatan siya ng caroling sa condo nito sa Malate. Bongga, lahat napa-wow, kasi nga, maluwang ang condo at di mo iisiping nasa isang regular condo unit ka. Yun naman pala, dalawang unit yun na pinag-isa kaya talagang napakaluwang.

As usual, lahat ng carolers may gift, at siyempre yung malaking halaga na binigay ni Joel sa mga carolers.

Puwede ngang sabihing totoong mayaman na si Joel Cruz.

“Lahat kayo invited, sa January 7, padadalhan ko kayo ng VIP tickets para sa isang malaking concert at fashion show sa grounds ng MOA. Pumunta kayo para masaksihan ninyo ang grand launching nina Gary Valenciano at Charice Pempengco.

Charice Pempengco?

Shocked ang mga bading, di nga naman birong maging endorser mo si Charice, who, at this point ay pambato ng Pilipinas sa international scene?

Magkano ang presyo niya?

“Very expensive, but I promise them na hindi ko sasabihin ang presyo. Suffice it to say na kahit na malaki, malayo naman ang madadagdag sa image ng aming mga produkto,” sagot pa ni Joel.

Arithmetic bigla ang mga bading, siguro raw, mahigit na P10 M ang budget para mapapayag ang management ni Charice to endorse the products of Joel Cruz.

Magkano nga kaya?

Anyway, naitanong kay Joel kung sino sa mga endorser niya ang epektibo?  Si Joel kasi ang nagsalitang nagagawa niyang kuwentahin kung magkano ba’ng sales ng isang produkto endorsed by a a particular star. Dito nga lumalabas na hindi na pala kasali si Lovi Poe dahil hindi man lang nila nabawi yung malaking halaga na ibinayad sa kanya when she was taken as an endorser of Afficionado.  “Wala di kami nakabawi, lugi talaga,” stressed pa ni Joel.

In contrast, kumita raw sila kina Jason Abalos at Erich Gonzales, kay Lovi lang sila nalugi.

So there! Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply