Chavez out, Donaire in sa Linggo

TULUYANG nang umatras si Julio Cesar Chavez Jr. sa kanyang laban sa Anaheim, California kontra sa bagong opponent niya na si Pawel Wolak habang ang huli ay lalaro pa rin laban kay Jose Pinzon (15-1) sa darating na Linggo.

Dahil sa pangyayaring ito, magmimistula main event na ang laban ni two-division world champion Nonito Donaire (24-1, 16 KOs) na isang 12-round bantamweight battle kay dating WBA bantamweight champion Wladimiro Sidorenko (22-2-2, 7 KOs).

Tampok din sa card ang laban ni WBC lightweight champion Humberto Soto (53-7-2, 32 KOs) kay  Urbano Antillon (28-1, 20 KOs) habang si undefeated lightweight contender Mikey Garcia (23-0, 19 KOs) ay haharap sa isang 10-rounder kay Olivier Lontchi (18-1-2, 8 KOs).

Samantala, sinabi ni Donaire na alay niya sa kanyang mga kababayan ang laban niyang ito.

Ayon sa kampeon na gumiba kay Armenian undefeated Vic Darchinyan noong 2007, kailangang maipanalo niya ang laban na ito dahil atat na rin siyang makaharap sa Pebrero sa susunod na taon si Fernando Montiel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply