Chief Joesan naging milyonaryo sa karerahan

HINDI lamang si Yes Pogi ang naging milyonaryong kabayo noong Linggo ng manalo ito sa naganap na PCSO 38th Presidential Gold Cup championship race na ginanap sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Maging si Chief Joesan ay umani rin ng P1.5M na premyo ng magwagi ito sa 2010 Philracom Juvenile Championship race kung saan ay nilampaso niya ang liyamadong si Barkley.

Ginulat ng dehadong si Chief Joesan ang mga karerista ng tawirin nito ang meta na leeg ang pagitan sa nasegundo at isa pang dehadong si Whistler.

“Grabe ang karera noong Linggo talagang lumabas ang galing ng mga kabayo iba talaga kapag malaki ang premyo lahat naghahanda ng husto,” saad ni Nick Atienza isang kilalang trainer.

Nakapagtala si Chief Joesan na nirendahan ni class C rider Jordan B. Cordova ng 1:43.7 sa 1,600 meter race.

Pumangalawa sa nasabing karera si Whistler na komopo ng P562,500 habang nag-uwi sina Arvindugo at Barkley ng P312,500 at P125,000 para sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

“Magandang pamasko para sa akin ito sana sa susunod na linggo ay manalo ulit ako sa stakes races. wika ni Cordova. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply