Chisora may tulog kay Klitschko

NANINIWALA si IBF/WBO heavyweight champion Wladimir Klitschko na may tulog sa kanya si Derrick Chisora sa kanilang paghaharap sa Linggo sa Mannheim, Germany.

Ayon kay Wladimir, si Chisora ay isang talunan at magaling lang manggulpi ng babae.

“As a person, you’re terrible. I’ll send you on the way back home without a title…” ayon kay Klitschko.

Subalit sinabi naman ni Chisora na karamihan sa mga natalo ni Klitschko ay mga taxi drivers lamang.

Naniniwala siya na mas lamang siya kay Klitschko dahil mas bata siya kung ikukumpara rito.

“I’m young, fast and hungry. Klitschko, however, is 34 and on the way down…” pahayag ni Chisora.

Sina Klitschko at Chisora ay nagharap sa press conference sa Mannheim kahapon.

Si Klitschko ay “Ring Magazine” champion habang si Chisora ay British at Commonwealth champion Chisora.Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply