Chiz kay PNoy: Palayain ang ‘Morong 43’

NANAWAGAN si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Palasyo na palayain ang tinaguriang “Morong 43” na inaresto sampung buwan na ang nakararaan sa kasong illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa gun ban.

Sinabi ni Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, na maisasagawa ang pagpapalaya hindi sa pamamagitan ng amnestiya na iniaalok ng pamahalaan, kundi sa pamamagitan ng teknikalidad kaugnay sa kanilang pag-aresto.

“The Morong 43 may be freed without availing the amnesty program extended by the administration,” ayon kay Escudero. “There is no admittance from the health workers that they are, indeed, members of the New People’s Army as alleged by the military.”

Tinukoy pa ng mambabatas ang opinyong ipinalabas ni Justice Secretary Leila de Lima na depektibo ang warrant na isinilbi sa grupo kaya’t may tatlong pagkakataong maaaring gamitin upang palayain ang mga detenidong health workers.

Aniya, mapapalaya ang Morong 43 sa pamamagitan ng mga sumusunod na kaganapan: maghain ng mosyon ang DOJ sa korte na binabawi ang impormasyon sanhi ng teknikalidad sa pag-aresto; maghain ang defense team ng mosyon para sa muling pag-iimbestiga upang makapagpiyansa at recognizance habang nakabinbin ang re-investigation nang walang pangangailangan sa teknikalidad; at magkasanib na maghain ang DOJ at defense team nang isang mosyon para sa judicial determination ng probable cause upang maresolbahan ang isyu sa lalong madaling panahon.

“These three options are faster and simpler routes to take than the amnesty program in seeking for the Morong 43 release… All options would now be left to the judge’s sole discretion,” paliwanag ni Escudero. Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply