Christmas lane sa EDSA, bukas na

BINUKSAN na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang Christmas lanes upang mabawasan ang trapik sa EDSA kung saan inaasahang dadagsa ang mga pasahero sa paparating na Pasko.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino sa panayam sa dzMM,  apat pang Christmas lanes ang nakatakdang buksan ngayong linggo upang maging alternatibong ruta ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.
Nakatakda namang magsagawa ng special meeting sa susunod na Martes ang MMDA at mga alkalde sa Metro Manila kung saan kasamang tatalakayin ang patakaran kaugnay ng Christmas lanes.
Binanggit naman ni Tolentino na maaaring gamitin ang Christmas lanes bilang alternate routes kahit pagkatapos ng holiday season.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply