Judge who called OFW ‘muchacho,’ punished

ISANG hukom ang naparusahan matapos na mapatunayang gumamit ng “racially inappropriate language” laban sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Commonwealth of the Northern Mariana Islands (CNMI), isang teritoryo ng United States na matatagpuan sa may kanlurang bahagi ng Pacific Ocean.

Iniutos kamakailan ng CNMI Supreme Court ang pag-alis sa kanilang associate judge na si Kenneth L. Govendo mula sa Family Court bilang bahagi ng public censure punishment laban sa hukom.

Inatasan din si Govendo na sumulat ng letter of apology para sa mga mamamayan ng CNMI.

Ang letter ay dapat malathala sa dalawang pahayagan sa CNMI.

Bukod dito, kinakailangan din na sumailalim si Govendo sa isang off-island educational program on judicial ethics na siya ang gagasta.

Nagsimula ang kaso ni Govendo nang pinagsabihan niya ng “adios muchacho” si Roger Castillo habang dinidinig ng hukom ang domestic abuse case ng nasabing Pilipino na nagtatatrabaho sa CNMI bilang magsasaka.

Nagsabi ng “adios muchacho” si Govendo habang binabalaan niya si Castillo na mahaharap ito sa criminal prosecution at deportation dahil sa paratang sa kanyang domestic abuse.

Maliban dito, napatunayan din ng Korte Suprema na “mean, condescending, and angry” ang tono ng pagsasalita ni Govendo sa ilang mga pagdinig niya ng adoption cases na may kinalaman ang mga Pilipino.

Sa isang kaso, tinuran umano ni Govendo sa mga mag-aampon ng mga batang Pilipino na nais nilang ampunin ang mga ito di dahil mahal nila ang mga bata, kundi dahil gusto lang nilang paramihin pa ang mga Pilipinong naninirahan sa CNMI.

Para sa ilan pang detalye ng istorya, i-click ito at ito.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply