Coco Martin dedma kay Dingdong Dantes

BONGGA ang Christmas parties for the press this week. First up it’s the PPL Press Xmas party na ginawa sa Evissa Super Club. Lahat ng alaga ni Perry Lansigan ay present, sina Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Carl Guevarra, Arthur Solinap at Carlo Gonzalez. Dumating si Geoff Eigenmann kasama ang kanyang ladylove na si Carla Abellana further confirming na sila na talaga. Pinakahuling dumating naman si Dingdong Dantes na galing pa sa taping ng “I Heart You” with Regine Velasquez.

Lahat ng dumating sa xmas party ng PPL ay masaya dahil lahat ay nabigyan ng P2k na aginaldo plus a loot bag. Ang dami ring nanalo sa pa-raffle kung saan 2 P15k cash prize ang pina-raffle plus a free trip for two sa HongKong!

Minamadali na ang taping ng “I Hear You”dahil malapit na ngang ikasal si Regine. At humingi rin ng xmas vacation si Dingdong mula Dec. 24 hanggang Jan. 1. Dito lang daw siya sa Pinas magpa-Pasko kasama si Marian Rivera. This will be their 3rd Christmas together.

Hindi na rin niya pinapansin ang pilit na pagsabong sa kanila ni Coco Martin. “I think Coco is really a good aktor. Saludo ako sa kanya,”pahayag ni Dingdong.

***

Next up ay ang Press Xmas Party naman ng TV5 na ginawa naman sa Broadway Centrum. Aba, nagpa-bongga nang husto ang TV5 dahil nagpakawala naman sila ng P500,000 para sa raffle at mga cash prizes sa kanilang games. P30K ang grand cash prize sa raffle at P50k naman ang premyo naman sa kanilang games.

Sila rin ang kauna-unahang nagbigay ng original queso de bola at Chinese ham na pang-noche Buena para sa lahat ng press na dumalo. Hindi nga nagtipid ang TV5 this year dahil bumongga nang husto ang kanilang ratings ngayong 2010! Sila na ang no. 1 pagdating ng Sabado at Linggo.

At marami silang kaabang-abang na new shows para sa 2011 tulad ng pagbabalik ng Iskul Bukol at ang TV versions ng Bagets, PS I Love You, Babaeng Hampaslupa (with Alice Dixson and Alex Gonzaga, Utol Kong Hoodlum (with JC De Vera and Jazmine Curtis), Humanap Ka Ng Panget at ang 2 nobela ni Direk Carlo Caparas na Bangis at Limang Daliri ng Diyos.

***

Sumunod naman ang Christmas party ng ABS-CBN for the press na ginawa sa Dolphy Theater.

Nagpakawala naman sila ng P250,000 cash prizes para sa raffle at pa-contests.

For the second straight year ay napili na naman ang katotong Dominic Rea for having the best costume. Si Leo Bukas naman ang nanalo sa Showtime press version.

Nagbigay naman ng entertainment numbers ang cast ng bagong bagets variety show na Shoutout na napapanood araw-araw ng 5-6pm. Hinarana rin ang press nina Marco Sison na wala pa ring kupas sa galing sa pag-awit at ang napakagwapong si Marky Stroem mula sa Pilipinas Got Talent.

***

Aba nagbigay rin ng Christmas party for the media ang bagong halal na Laguna Governor na si ER Ejercito at ang wife niyang si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito sa Zirkoh Morato. Kasama nila ang nagsisigwapuhang tatlong sons nila and one pretty daughter.

Aba, bumuha ng sacks of rice, appliances at bonggang cash prizes. Namigay ng isang P30K grand prize at anim na tig-P20K. Natalo pa ni Gov. ER ang TV5 at ABS-CBN sa laki ng kanyang cash prizes!

***

Malapit na ang Kapaskuhan kaya may Christmas flavor na ang Bubble Gang this week. Abangan ang kanilang Rap Caroling at Proxy Santa Clown. Tiyak na matatawa kayo sa kanilang Raid gags at Surf commercial spoof. Kakanta ng Rock With You sina Moymoy at Magma-manicure naman si Cheche. Isa pang kinagigiliwang regular ay ang Bat Ganun. Sino kaya ang mabibigyan ng Bagong Break at tiyak na babaha ng Emotions! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply