Corona hindi magmamakaawa sa pagtaas ng pondo ng SC

NANINDIGAN si Supreme Court Chief Justice Renato Corona na hinding-hindi  magmamakaawa sa kongreso para lamang itaas ang pondo ng sangay ng hudikatura para sa susunod na taon.

Ayon sa punong mahistrado, bagama’t umaaray na ang karamihan sa mga hukom at empleyado ng hudikatura, mas pipiliin aniyang hindi malagay sa kompromiso ang integridad ng mataas na hukuman lalo pa’t dapat umano itong manatiling independent sa lahat ng oras.

Kasabay nito, nilinaw muli ng  chief magistrate na walang kinalaman ang pamunuan ng korte suprema sa ginawang kilos protesta ng mga hukom at court employees noong nakalipas na Lunes upang ipakita ang kanilang sama ng loob sa budget cut.

Aniya, karapatan ng mga ito na ilabas ang kanilang pagkadismaya sa pagtapyas sa pondo lalo pa sa panahong kinakailangan umano nila ang budget para sa reporma.

Dagdag pa ni Corona, walang plano ang korte suprema na patawan ng parusa ang mga nagsipag-protesta na pinangunahan ng mga miyembro ng Philippine judges association.

Aniya, hindi naman naging marahas ang protesta ng mga ito na tanging nagsuot lamang ng itim ng t-shirt at nagtali ng black armband bilang pag-alma sa budget cut sa judiciary.

Una nang nilinaw ng chief justice  na walang kinalaman sa pulitika ang ginawa nilang pagbasura sa Truth Commission. Ang tama aniya ay tama at ang mali ay mali.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply