Nang-abuso ng 39 Pilipino sa Florida, ikukulong

NASENTENSIYAN ng ilang taong pagkakakulong ang isang couple na may-ari ng isang labor contracting service dahilan sa ilegal at sapilitang pagpapatrabaho ng 39 Pilipino sa country clubs at hotels sa Southeast Florida.

Makukulong ng hanggang anim at kalahating taon si Sophia Manuel at apat na taon at tatlong buwan naman ang kanyang kaparehang si Alfonso Baldonado Jr., may-ari ng Quality Staffing Services Corporation.

Ang dalawa ay nagmamalabis at nang-abuso sa mga Pilipinong manggagawa, ayon sa isang pahayag na kamakailang nilabas ng US Department of Justice (DOJ).

Napatunayan din na guilty si Manuel dahilan sa mga maling pahayag na isinulat niya sa mga aplikasyong isinumite sa US Department of Labor upang makakuha siya ng foreign labor certifications and visas sa ilalim ng federal H2B guest worker program.

“These defendants exploited vulnerable individuals for their own financial gain, depriving the victims of their civil rights,” ani Thomas E. Perez, Assistant Attorney General for the Civil Rights Division ng US-DOJ.

Nauna nang umamin ang dalawa sa kuntsabahan nilang hikayatin ang mga Pilipino na magtrabaho sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga di-totoong pangako.

Na-enganyo naman ang mga Pilipino sa mga pangako kung kaya’t nalubog sila sa utang para mabayaran ang recruitment fees sa kumpanya nina Manuel at Baldonado.

Nang nasa Florida na ang mga Pilipino, sapilitan silang pinagtrabaho ng mabibigat na gawain at tinakot na ipapa-deport kung di sila susunod sa mga patakaran ng kumpanya.

Nalaman na lamang ng mga Pilipino na biktima pala sila ng human trafficking at wala silang legal na papeles para makapagtrabaho sa US.

“The Department of Justice will continue to vigorously prosecute cases of forced labor where victims have been robbed of their freedom and dignity,” ani Perez.

Samantala, pinuri ni US Attorney Wilfredo Ferrer ang desisyon laban sa dalawa.

“Today’s sentencing reminds us that America remains a land of freedom and opportunity for immigrants, not of servitude and fear. Forced labor is illegal and we will enforce the laws that protect our immigrant communities from abuse,” ani Ferrer.

Ayon naman kay John Morton, direktor ng U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) Homeland Security Investigations in Miami, sisiguruhin ng kanyang ahensiya na mananagot ang human traffickers.

“Human traffickers target vulnerable victims, including minors, who desire a better life and end up being lured into a situation where they are deprived of their basic human rights,” aniya.

“These deplorable conditions will not be tolerated in this country and ICE will continue its commitment to rescue victims of this form of modern day slavery and arrest the traffickers that exploit them,” dagdag ni Morton.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply