Cristy Fermin, big-time na

NAGSISIMULA na rin palang malulong sa droga ang isang magaling na aktor na sumisikat pa naman ngayon. Sa taping ng kanyang teleserye ay ikinaloka raw ng mga staff na bangag na bangag na dumating ang aktor at hindi makakapagtrabaho nang maayos.

“Tulala siya at halata mong bangag talaga,” kuwento ng aming source.

Dahil dito ay hindi raw makunan-kunan ang eksena ng aktor kaya walang magawa ang staff kungdi hintayin na humupa ang ‘tama’ nito.

Maya-maya ay natulog daw ang aktor at nang ginigising na raw ng staff ay hindi magising-gising. Dumating na raw sa puntong tinawagan na ng staff ang ina ng aktor para tulungan silang umayos ito.

Dumating naman daw agad ang ina but just the same ay hindi rin daw magising ang aktor. It took quite sometime bago gumising ang aktor pero halata mong bangag pa rin daw.

Ang ending, inabot ng siyam-siyam ang taping kaya talaga namang nagdusa ang lahat.

Sayang ang aktor kung ipagpapatuloy niya ang bisyo dahil sa totoo lang, isa siya sa magagaling nating supporting actors ngayon. Bukod  pa rito, ito ang panahong nasa peak ang career niya kaya sayang naman kung sasabayan niya ng kalokohan.

Sana lang ay matauhan ang aktor before it’s too late.

****

Hindi kaya magulantang ang mga detractors ni Nay Cristy Fermin?

Sa ngayon kasi, ayaw pa rin siyang tantanan, na to the effect at kesyo raw ganyan at ganito. Ibig sabihin ng mga ito, wala na raw sa huwisyo ang career ng magaling na tv host at marami pang kesyo kesyo.

But of course, exaggerated yun. The truth is, patuloy na sumisipa ang career ni Nay Cristy at never na never na true yung kesyo walang kuwenta ang Juicy headed by Cristy.

Aba, sa tingin nga namin, galing ng chemistry ng mga hosts doon, including Shalala, Alex G, IC Mendoza and of course Mo Twister. Laging bitin ang show and we are left wanting for more. We just look forward na dagdagan ang oras ng Juicy para makumpleto lagi ang araw namin.

Heto pa, ha, Cristy Fermin is now doing a Charo Santos. Never sigurong naisip ni Nay Cristy that one day, she will anchor an anthology,.

Yes, si Nay Cristy po ang naglahad sa mga stories sa Star Confessions sa TV5, which we can now say, may kalaban na si Charo Santos.

Aba, lagi na lang kasing nominated ang MMK dahil solo niya ang genre pero with Nay Cristy’s Star Confessions, abangan ang matinding labanan.

This Wednesday, December 8 magsisimula na’ng Star Confessions, featuring the life story of Willing Willie’s

Congratulations.

Madrama rin pa ang buhay ng babaingito kaya nag-merit siyang pambuwena-mano sa anthology ni Nay Cristy Fermin.

Congratulations! Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply