Cyber sex sa Pilipinas lalong lumalala

ISINULONG nitong Huwebes ng isang kongresista na maparusahan ng hanggang 30 taong pagkabilanggo ang sinumang sangkot sa cybersex operations sa bansa, makaraang mabatid na mas lumala pa ang operasyon nito.

Inihain ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin ang House Bill 1444 na mahigpit na nagbabawal sa operasyon ng cybersex sa bansa o ang paggamit ng computer internet sa pagbebenta, bentahan ng aliw o pakikipagtalik.

Ang panukala ni Lazatin na tinawag din niyang “Anti-Cybersex Act” ay may layuning sugpuin ang talamak at laganap na insidente ng prostitusyon at pornograpiya sa Pilipinas at sa iba pang parte ng mundo sa pamamagitan ng cyberspace.

Sinabi ni Lazatin na “with today’s rapid advancement of information and communication technology through the World Wide Web, it is alarming to note that even pornography and prostitution have tapped a new channel in a form popularly known as cybersex.”

Nangangamba ang mambabatas na dumating ang pagkakataon na hindi na ito masugpo o tuluyan nang maging bukas na kalakaran sa bansa.

“Unless rigid measures are founded against these abuses, society will bear the social costs since proliferation of obscene and pornographic materials and rampant exhibition of lewd shows in our midst have threatened the moral fibers of our society,” paliwanag pa ni Lazatin. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply