Dacer-Corbito case re-investigation inihirit

UMAPILA ang kampo ni Sen. Panfilo Lacson sa Department of Justice ( DOJ) na sa halip na madaliin ang paghahanap sa senador ay unahin muna ang re-investigation sa kaso ng Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Atty. Alex Poblador, abogado ni Lacson, nauunawaan nila na obligasyon ng DOJ at ng National Bureau of Investigation ( NBI) na maaresto ang senador matapos na masangkot sa kaso, subalit tungkulin din naman aniya ng mga ito na aksyunan ang kahilingan ng kanilang kampo na muling magsagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Ipinaliwanag ni Poblador na batay sa rules ay kinakailangang magsagawa ng re-investigation kung may mga bagong ebidensya na lumutang kaugnay sa isang particular na kaso.

Ang paglutang aniya ng salaysay ni Reynaldo Oximso, dating driver ni Lacson, at Sr. Supt. Michael Ray Aquino na nagpapatibay sa salaysay ni dating Police Col. Glen Dumlao na nagsasabing walang kinalaman ang senador sa pagdukot at pagpatay kina Bubby Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito ay sapat na para magsagawa ng re-investigation sa kaso.

Magugunita na nagbigay na ng ultimatum si Justice Secretary Leila de Lima sa NBI na arestuhin si Lacson matapos kumpirmahin mismo ng kalihim na naririto lamang sa bansa ang puganteng senador. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply