Dagdag na boltahe sa Meralco Bolts

SISIKAPING palakasin ang boltahe ng Meralco Bolts sa pagkuha ng serbisyo nina Mark Isip at Reed Juntilla mula sa Barako Bull para sa 2010-2011 PBA Philippine Cup playoffs.

Sa pinakahuling palitan, sina Isip at Juntilla ay makakapalit nina Kazim Merza, Pong Escobar at Ford Arao
na magtutungo sa Energy Boosters.

Ang Barako Bull Energy Boosters ay natanggal na sa elimination round matapos ang masaklap na 3-11 win-loss record habang ang M-Bolts ay tangan ang 6-7 slate kapantay ng Alaska Aces sa ika-6 na baitang ng 10-team composition.

Nakatakdang makipagsagupaan ang M-Bolts laban sa nasa ika-8 puwestong Rain Or Shine (5-8) ngayong gabi sa Big Dome. Bahagyang angat ang M-Bolts sa Elasto Painters na una nilang tinalo sa iskor na 87-79 noong Oktubre 24, samantalang ang Alaska Aces ni team owner Alfred Uytengsu at ang Powerade Tigers ay magsasalpukan sa 1st game.

Mahalaga sa Meralco ang panalo para sa direktang pasok sa top 6 katulad ng Aces na hangad din ang isa pang slot sa top 6.

Nauna ng nakalinya ang Barangay Ginebra at B-Meg Derby Ace sa nangungunang anim habang nakaumang ang Aces, B-Bolts, Air21 at Elasto Painters. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply