Dahil sa pag-amin na BF si Rayver Cruz: Sarah Geronimo gigil kay Cristine Reyes

NAGPUPUYOS sa galit ang damdamin ni Sarah Geronimo sa pag-amin ni Cristine Reyes na naging mag-on o naging bf ng sister ni Ara Mina itong si Rayver Cruz.

Ayon sa aming tsismosang kapitbahay, gusto na nga raw batuhin ni Sarah ang telebisyon habang nagkukuwneto itong si Cristine.

Imbiyernang- imbiyerna naman si Sarah sa pagsasambulat ni Cristine na naging magdyowa sila.

May plano na raw sanang sagutin ni Sarah itong si Rayver kaso sa narinig na mag-on ang dalawa ay nawalan ng gana si Sarah ayon pa sa sitsit ng aming tsismosang kapitbahay.

Inakala naman ng kampo ni Sarah na tsismis lang ang lahat at pilit lang silang inili-link sa isa’t isa.
Kaya nawalan daw ng gana na magpaligaw si Sarah ngayon kay Rayver sa narinig at nakita nito na pag-amin ni Cristine sa tunay na relasyon nila ni Rayver.

May ganun?

Takang- taka naman ang kampo ni Cristine kung bakit sasama ang loob ni Sarah sa pagbubuyangyang ni Cristine na naging bf niya si Rayver.

Takang- taka, in a sense of hindi naman naging sila at wala naman silang relasyon. Bakit daw magagalit si Sarah kay Cristine ng dahil lang sa pag-amin nito na naging sila.

Dagdag sitsit pa ng aming tsismosang kapitbahay  na marahil ay inggit lang si Sarah na till now ay wala pa rin bf dahil na rin sa mahadera nitong mudra.

‘Yun na!

QUEENIE, KASAMA SA HONEYMOON NI BINOE AT MARIEL

MULI na naman na ibinuking ni Queenie anak ni Robin Padilla ang pagiging gravecious sa pagiging sweet nitong sina Mariel Rodriguez at ama na si Binoe.

Hindi naman tinutulan o kumontra pa si Queenie sa honeymoon ng ama at dyowa nitong si Mariel.

Kitang- kita naman ni Queenie ang nadaramang kasiyahan ng ama kaya naman todo- suporta na lang siya dito.

Nasa bansang India naman ang mag-ama kasama si Mariel para kunan doon ang iilang scene sa pelikulang pagsasamahan nina Mariel at Binoe.

Habang tumatagal nga raw ay nagugustuhan na ni Queenie itong si Mariel na super dooper sa pagiging sweet ni Mariel sa kanyang ama.

Kaya naman wala nang pangamba si Queenie na mapapabayaan ng kanyang ama na si Binoe ang sarili nito.

Magtatagal pa nga raw ang honeymoon nina Mariel at Robin sa India at oks lang naman kay Queenie kung i-extend ng i-extend ng magdyowa ang kanilang honeymoon.

Wow, sarap naman! Enjoy! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply