Dalagang ina nagpakamatay dahil sa kahirapan

MINABUTI ng 19-anyos na dalagang ina na wakasan na lamang ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaning solution nang hindi na nito makayanan ang labis na hirap dahil sa pagiging solong magulang sa kanyang sanggol na anak sa Caloocan City kagabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Lungsod ng Malabon (PLM) sanhi ng ininom nitong lason ay si Marissa Ruega, 19, ng Block 31, Lot 12, Phase 3-F1, Dagat-dagatan, Brgy. 14 ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Rommel Bautista, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 9:45 pm sa loob ng comfort room sa bahay ng pamilya Ruega.

Sa naging salaysay sa mga awtoridad ng mga magulang ng biktimang sina Rolando at Delia, narinig nila ang kanilang anak sa loob ng comfort room na dumadaing.

Agad na naghinala ang mga ito kaya’t sapilitang binuksan ang pinto ng comfort room at bumulaga sa sa kanila na bumubula na ang bibig ng biktima.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo sa naganap na insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply