Dalagita, pinilahan ng 4 na kalalakihan

KALABOSO ang kinasadlakan ng apat na kalalakihan  matapos nilang pilahan at halinhinang gahasain ang isang 17-anyos na dalagita sa ilalim ng tulay, madaling araw  sa  Malabon City.

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong rape   in Relation R.A 7610 (Anti-Child Abuse Law) ay sina  Mark Kevin Gabriel 17; Jack Garcia 24; Arnie Beltran 18 at Jay-R Cordero 18, pawang nakatira sa Manapat St. , Barangay Tanong, ng nabanggit na lungsod.

Samantala ang biktima na sinamahan ng kanyang kaanak sa puilsya upang magharap ng pormal na reklamo laban sa mga suspek ay itinago sa pangalang Maricar, 17,  nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report  ng  Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong 4:30 ng umaga sa C-4 Road , Barangay Tanong, ng naturang siyudad.
Nabatid na niyaya ang biktima ng mga suspek na sila ay mag-inuman, kung saan pinaunlakan naman ito ng dalagita.

Matapos lasingin ng mga suspek ang biktima, dali-dali nila itong hinila sa madilim na bahagi ng nabanggit na lugar at dito nila pinilahan at halinhinang hinalay ang nasabing biktima.

Matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa kanilang barangay, dahilan upang madakip  ang apat na suspek. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply