Dalawang panalo tinawid ni jockey JA Guce

PIHADONG magiging masagana ang kapaskuhan ni class A jockey John Alvin Guce matapos magpanalo sa dalawang race noong Martes ng gabi sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Hinablot ni Guce kasama ang nirendahang si Midnight Myth ang halagang P20,000 na added prize na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) matapos manaig sa naganap na Open Merging Two-year-old Conditions B2-A2-A sa race 1 ng programa ng karera.

Sumegundo sa nasabing laban si Sulong Pinoy na ginabayan ni class B jockey VM Camañero habang pumangatlo at pumang-apat sina Seeing Lohrke at Restless Heart ayon sa pagkakasunod.

Sa race 6 naman sinikwat ni Guce ang ikalawang panalo nang itawid nito sa meta si Living For Love sa isang regular race na Class Division – 1.

“Kahit gusto manalo lalo na ngayong malapit na ang Pasko kaya talagang pinagbubuti ko ang pagdadala para mas lalong maraming horse owners at Trainers ang magtiwala sa akin.” masayang pahayag ni Guce na nakasama rin niya sa tagumpay si 2009 Presidential Gold Cup champion Don Enrico noong bata ang nasabing kabayo.

Pangalawang tumawid ng meta si Banay Banay, tersero si Gobillis at pang-apat si Away We Go.

“Sana magtuloy-tuloy pa ang suwerte natin para pati sa bagong taon ay may ihahanda pa rin tayo.” nakangiting saad ni Guce.

Samantala, si Winning Bid naman ang nakakuha ng isa pang P20,000 nang manalo ito sa race 2 ng Three-year-old Condition A2.

Si Winning Bid ay sinakyan ni Class B rider Ren Ren Raquel. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply