Dapat lang na mag-armas ang mga abogado at huwes

MAY kilusan sa hanay ng mga abogado at huwes na mag-armas.

Dulot ito ng pakiramdam ng mga abogado at huwes na inuubos ang kanilang lahi ng mga kriminal.

Nitong nakaraang taon lamang, umabot sa 15 abogado at huwes ang pinagpapaslang, kabilang na ang dalawang abogadong babae sa Maguindanao massacre.

Sa ating pananaliksik, pinapatay ang mga abogado at huwes dahil sa matapat na paggampan nila sa kanilang mga tungkulin.

Karaniwang mga malalaking pulitiko na nasyonal o warlord na pulitiko rin ang may lakas ng loob na pumaslang sa officers of the court na ito.

Sa lalawigan, may abogadong pinagbabaril dahil sa pag-aabogado niya sa mga magsasakang gustong makinabang sa land reform.

Naganap ito nang sumampa na ang mga kasong agrarian sa mga lupang may lawak na 50 ektarya pataas.

Ang mga malalaking panginoong maylupa na matataas na opisyal din sa lalawigan ang nasa likod ng pamamaslang sa abogado.

May mga pinapatay ding abogado dahil sa pakikiisa ng mga ito sa mga kilusang laban sa mga mapanirang pagmimina.

Yung ibang mga abogado at huwes ay pinapaslang naman ng mga ayaw paawat sa smuggling at nakakasuhang mga pulis.

Mga warlord na may dinastiya sa mga lalawigan ang nasa likod din sa ilang pagpatay.

Pinapatay din ang mga abogado at huwes dahil sa kanilang mga desisyon na kontra sa mga malalaking pulitiko at mayayaman.

Kabilang dito ang mga pinagpapatay na abogado ng Comelec Central Office  ilang taon na ang nakararaan.

Yung iba, pinapatay ng mga warlord na hinahamon nila sa mga puwestong pampulitika.

Kung tayo ang tatanungin, talaga namang nahahanay na ang buhay ng mga abogado at huwes sa buhay ng mediamen.

Kaya kung isinusulong natin ang pag-aarmas ng mediamen, ganito rin tayo para sa mga abogado at huwes.

Kung iisipin, hindi kaya ng mga pulis, maging ng mga militar, na protektahan ang mga abogado at huwes ng 24 oras sa 365 araw.

Upang manatili silang buhay at maprotektahan man lang ang kanilang mga sarili, kailangan nilang magdala ng baril sa lahat ng panahon.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply