Darchinyan binantaan si Donaire

NAGBANTA si Vic Darchinyan kay world’s no.4 pound-for-pound boxer Nonito Donaire Jr. na patutulugin niya ito sa oras na muling magdugtong ang kanilang mga landas sa hinaharap.

Si Darchinyan ay pinatulog ni Donaire noong 2007 via 5th round TKO kung saan lumabas ito ng ring na halos wala nang malay.

Ayon kay American sports analyst Danny Flexen, nakikita niya ang pagpupursige ni Darchinyan na makaharap muli si Donaire dahil iyon ay maliit na pagkakamali lamang at tinitiyak umano ng dating kampeon na makagaganti siya rito.

Subalit matatandaan na mula nang matalo ni Donaire si Darchinyan ay pinatunayan ng Pinoy champ na hindi lamang iyon tsamba dahil katunayan ay marami na siyang pinabagsak at ang pinakahuli ay si Wladimir Sidorenko na brutal ang pagkatalo nitong Linggo via 4thround KO.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply