Darchinyan durog kay Mares

ISINUKBIT kahapon ni  world-ranked Abner Mares (20-0-1, 13 KOs) ang split decision victory laban sa biktima ni Nonito Donaire Jr. na si two-time division titlist Vic Darchinyan (35-3-1, 27 KOs) dahilan upang makuha ang WBC Silver belt.

Si Mares ay naputukan ng kilay sa kaliwang mata sa isang unintentional headbutt sa round one.

Napabagsak ni Darchinyan si Mares sa round two sa pamamagitan ng straight left ngunit umatake pa rin ito sa round three kahit duguan ang mukha.

Sa ika-anim na round ay nakuha na ni Mares ang tempo at halos lahat ng mga binabato nitong suntok ay tumatama na.

Sa huling parte ng sagupaan ay lumakas pa lalo si Mares habang si Darchinyan naman ay nasaid ang lakas.

Si dating IBF bantamweight champion Joseph “King Kong” Agbeko (28-2, 22 KOs) ay muling nakuha ang kanyang IBF belt nang gibain si unbeaten Yonnhy Perez (20-1-1, 14 KOs).

Matatandaan na si Agbeko ay isa sa mga tumalo rin kay Darchinyan. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply