Dating close-in security ni Jessica, tetestigo sa Vizconde massacre

HANDANG tumestigo sa Department of Justice (DOJ) ang dating close-in security ni Vizconde massacre case star witness Jessica Alfaro sakaling muling buksan ang naturang kaso.

Batay sa panayam ng DZMM kay dating National Bureau of Investigation (NBI agent na si John Herra, kusang loob siyang makikipagtulungan sa DoJ sakaling mabuksan muli ang imbestigasyon sa Vizconde massacre.

Paiimbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang Vizconde massacre case matapos ipawalang-sala ng Korte Suprema ang mga nauna nang inakusahan dito na sina Hubert Webb, Antonio Lejano, Michael Gatchalian, Hospicio Fernandez, Miguel Rodriguez, Peter Estrada at Gerardo Biong.

Iginiit din ni Herra na wala umano silang naging relasyon ni Jessica.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply