Davao niyanig ng lindol

NIYANIG ng lindol ang Davao na may magnitude-3, madaling araw ng Martes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig bandang 4:32 a.m.

Batay sa bulletin ng Phivolcs, namataan ang epicenter nito 31 km Hilgang-silangan sa Tagum, Davao.

Wala namang napaulat na nasirang ari-arian at wala ring naitalagang aftershock.

Matatandaang niyanig din ng lindol ang Northern Luzon noong gabi ng Lunes, na tumama sa Nueva Vizcaya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply