Dec. 24 at 31, special non-working holiday

IDINEKLARA na ni Pangulong Benigno Aquino III na special non-working holiday sa Disyembre 24 at Disyembre 31, upang mabigyan ng pagkakataon ang pamilyang Filipino na lalong maging masaya ang bakasyon kung saan papatak naman ito ng Biyernes.

Ito ang pagtitiyak ni Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr., habang ang Disyembre 25 naman ay regular holiday.

Samantala, bilang paggunita sa Araw ni Rizal sa Disyembre 30, na isang regular holiday, inilipat ito sa Disyembre 27, bilang parte pa rin ng tinatawag na holiday economics ng gobyerno, kung saan inililipat ang holiday sa pinakamalapit na Lunes.

“The official holiday season starts on December 24 and, excluding a pocket of three working days (Dec. 28, 29, 30), ends on Monday, January 3, 2011,” ayon pa sa advisory na isinagawa ng Malakanyang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply