Dec. 8, non-working day sa Taguig

PINROKLAMA ng Malakanyang na special non-working day sa Taguig sa Disyembre 8.

Binigyan ng awtorisasyon ni Pangulong Benigno Aquino III si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.  upang pirmahan ang Proclamation 81, na nagsasaad na ipagdiriwang sa naturang petsa ang anibersaryo ng Taguig.

“(To) enable the people of the city of Taguig to celebrate the occasion, it is but fitting and proper to declare December 8, 2010, as a special non-working day,” ayon kay Ochoa.

Ang naturang proklamasyon ay nakapetsa noong Disyembre 1 ngunit ipinalabas lamang noong nakaraang Lunes ng gabi sa Official Gazette website.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply