Dehado ang Buena-mano ni Friends Of Doc

MAAGANG naghatid ng pamasko ang karerang binitiwan sa San Lazaro Park sa Carmona, Cavite nang isang dehado ang nagbukas  sa unang takbuhan na ipinanalo ng Friends Of Doc na pag-aari ni E.M. Vittali at pinatnubayan ni Jockey RH Silva.

Ang dehadong entry no. 1 na Friends Of Doc na bumenta ng P5,457.00 sa total sales na P600,015.00 ay sinigundahan ng Unica Champ na sinakyan ni class A Jockey Pat R. Dilema na pag-aari naman ni A.G. Ferreras.

Ang forecast na 1/7 ay mabangong P674.50 ang ipinangbuena-mano sa mga dehadista.

Sinundan ito ng daily double races 1-2 na P753.00 ang ibinalik kada-P2.00 puhunan sa kumbinasyong (1) Friends Of Doc at (7) Exquisite na nirendahan ng sinusuwerteng si Jockey CV Garganta.

Dinala ng Friends of Doc sa pagkadehado ang unag set ng winner-take-all kasama ang (7) Exquisite, (1) Chief Josan, (1) Friendly Fire (3) Magisterium, (2) Kristal’s Beauty at (8) Yellow Stein na naghatid ng P91,405.00 dibidendo sa gross sales na P3,103,254.00.

Nagkaroon pa ng karagdagang premyo ang Friends Of Doc sa pagkakapanalo sa 3-YO condition A-1 race na nagkakahala ng P20,000 tulad ng tinanggap ng Chief Josan, Magisterium, Kristal’s Beauty at Yellow Stein sa kagandahang loob ng Philippine Racing Commission. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply