Delia Razon nagtataka sa pagpapel ni PJ sa anak na si Carla

SOBRANG nagtataka lang si Delia Razon, ang beteranang aktres at lola ni Carla Abellana kung bakit ngayon ay maraming nasasabi si Rey “PJ” Abellana sa kanyang anak.

“Bakit siya pumapapel ngayon?” takang-takang pahayag ni Aling Delia sa Christmas ballroom dancing sa Makati Sports Club kung saan sinaliwan siya ng mahusay na mang-aawit na si Armie Zuñiga ng musika sa pagsayaw sa pagtugtog ni Nonoy Lopez ng Nonoy Lopez & his Band.

“Di ba, alam naman niya kung kelan siya umalis? Maliit pa si Carla nang umalis siya sa bahay noon kung saan siya nakatira kasama ang anak kong si Rhea. For almost seventeen years, wala siya kaya ngayon ay hindi ko malaman kung bakit siya pumapapel,” komento ni Razon.

“Ayaw ko na lang magsalita pero marami rin akong masasabi. Sana, hayaan na lang niya si Carla,” pakiusap ng beteranang aktres.

Nagtataka rin si Aling Delia kung bakit ngayon ay nasa isyu rin si Alfie Lorenzo.

***

Ang sabi na lang namin ay natural lang na magsalita at makialam si Rey dahil anak niya si Carla at si Alfie naman ay dating tagapagdiskubre at talent manager ng lalaking Abellana.

Sinabi naman ni Ms. Razon na hindi na siya makikialam sa mga kontrobersya ng kanyang apo kundi magpapakasaya na lang lalo na sa ballroom dancing na nagsisilbi ring ehersisyo para sa kanya.

Nagkataon lang anya na nagsalita si Rhea Reyes, ang ina ni Carla, kamakailan sa telebisyon kaya humaba pa ang usapin.

“Sabi ko nga kay Rhea na huwag na lang siyang mag-comment kais, lalaki pa ang isyu,” wika ni Ms. Razon.

***

Napapag-usapan na rin lang si Armie, alam ba ninyo na may naghihintay sa kanyang recording at siya lang ang maghahanda ng kanyang sarili para sa kakaiba at paminsan-minsan lang dumating na tsansa sa showbiz?

Nais din ni Nonoy na makapag-record na siya ng ballroom music dahil maraming gusto magkaroon ng mga collector’s item mula sa kanya.

Ipinagmamalaki ni Ms. Razon ang kahusayan ng boses ni Zuñiga sa tuwing magbo-ballroom siya sa iba’t ibang lugar kabilang ang Manila Polo Club.

“She’s a nice girl. Kanta lang siya nang kanta,” pagbabalik-tanaw ni Aling Delia.

Samantala, may iniingatang souvenir photo si Armie kasama ang mahusay na aktres ng LVN Pictures.

***

Sa Sanctuario de San Antonio rin ilalagak ang mga abo sa krini-mate na bangkay ni Atty. Leonardo Siguion-Reyna, ang butihing asawa ng matapang na alagad ng sining na si Armida Siguion-Reyna.

Namatay si Atty. Siguion-Reyna noong Linggo at nagdadalamhati si Armida sa kanyang trahedya.

“Biglang-bigla ang kanyang kamatayan. Hindi ko akalain,” pahayag ng babaing Siguion-Reyna sa lamay noong Lunes.

Ang cremation kay Atty. Siguion-Reyna ay hiling ani Carlitos Siguion-Reyna ng kanyang ama nang ito ay nabubuhay pa.

“It’s his request,” pagpapatotoo ng anak na direktor taliwas sa balitang ang pamilya ang nagpasya ng pagsunog sa patay.

Sa Huwebes, ika-23 ng Disyembre, 2010 ilalagay sa crypt sa Sanctuario de San Antonio ang urn ng mga abo ng lawyer na nagsilbing inspirasyon ni Tita Midz sa kanyang buhay.

“The loss is unfathomable,” pag-amin ni Tita Midz. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply