Denise Laurel, buntis nga ba?

BULUNG-BULUNGAN pa rin at hindi mamatay-matay  sa apat na sulok ng showbiz na preggy daw itong si Denise Laurel kaya biglang nawala.

Ang kuwento naman ng kampo ni Denise na minabuti nitong umalis na lang at magpahinga dahil hindi daw nito kaya ang mga daring role na dapat ay gagawin nito sa Kristine.

Pagkasabi nga sa kanya ng role na ipo-portray ni Denise ay hindi na daw ito nag report at tuluyang nawala
at hindi na nagparamdam.

Ewan lang natin kung ang pagtanggi nitong si Denise sa kanyang role ang dahilan ng bigla nitong pagkawala
sa showbiz world.

Marami pa naman naghihinayang dito kay Denise sa kanyang character sa Kristine sayang nga raw at tinanggihan nito na magpaka-daring sa nasabing teleserye.

Trulili nga ba na preggy na itong si Denise kaya bigla na lang naglaho at wala nang paramdam?

Kung ano man ang katotohanan sa pagkawalani Denise sa showbiz at biglaang pagbabakasyon ay ang ating aabangan, ayon pa sa ating tsismosang kapitbahay.

JOHN LLOYD AYAW PANG MAG-ASAWA

BUONG ningning namang inamin ni John Lloyd Cruz na hindi siya nagmamadali na mag-asawa at nagulat nga siya sa balita na mag-aasawa na raw ito at gusto na nitong maging ama.

Hindi pa nga raw napapanahon na lumagay siya sa estado ng may buhay asawa at bumuo ng matatawag na sariling pamilya. Darating din daw siya sa bagay na pag-aasaw pero at this point in time, ay wala pa daw sa isip ni John Lloyd ang salitang pag-aasawa.

Masyadong ini-enjoy pa ni John Lloyd ang kanyang pagiging binata ayon pa sa kanyang kampo. Kapag nag-asawa daw siya sa panahon ngayon ay baka mahirapan siya at gusto naman niya ng makaipon ng malaking pera.

Napag- usapan na naman daw nila ni Shaina Magdayao ang kanyang gf ang bagay-bagay tungkol sa pag aasawa, pero, kapwa hindi pa nga handa ang dalawa at pokus muna ngayon si John Lloyd sa kanyang career.

Hanggang mainit pa nga raw siya sa showbiz ay grab to death siya sa mga offer kaya career daw muna.

At ang target age naman ni John Lloyd na pag-aasawa ay kapag siya ay tumuntong na sa edad na 33 or 35 kaya matagal- tagal pa rin siyang pagpapantasyahan ng mga bading at matrona dahil kapag nag-asawa na nga naman ito at magkaroon ng mga anak ay mawawala na ang kanyang asim.

‘Yun na!

SALON DE SAN LORENZO HAIR AND BODY STUDIO, DINARAYO

DAHIL naman sa kanilang bonggang-bongga na Christmas discount ay dinarayo naman itong pinaka- malaking salon diyan sa San Lorenzo Village, Makati, ang Salon De San Lorenzo.

Maganda ang ambiance ng Salon De San Lorenzo na parang nagpa-byuti ka sa Las Vegas. At ang dinarayo dito ay ang mahuhusay na hairstylist ng Salon De San Lorenzo dahil kapag pumasok ka sa nasabing salon at makikita
mo ang pagbabago sa iyong sarili.

At ang pinaka sa lahat ng pinaka ay itong kanilang big big promo discount na kung saan ay makakakuha ng 50% discount sa Higlights, Tint, Cellophane at ang nakakalokang big big promo nila ay itong pila-balde talaga na Rebond at any size pa sa halagang P1,500.00 lang naman na kung saan ay nagkaroon ng promo extended mga kapatid, kapamilya at kapuso kaya go na sa pinag- uusapang salon ngayon sa Makati na matatagpuan sa 2nd Flr. Dona Concepcion Bldg., 1020 Arnaiz Avenue San Lorenzo Village, Makati City.

Para sa karagdagang impormasyon maari lang tumawag sa mga numerong ito Tel. 4036317 or text sila sa 09274177555 or 0923814538. Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply