Dennis Trillo, aminadong tumino kay Jennylyn Mercado

BAGAY na bagay sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa isa’t isa lalo na kung nakasuot sila ng 1920’s era costume para sa pelikula nilang “Rosario” na MMFF entry ng Cinemabuhay. They are real-life couple kaya naitanong namin kung nakaramdam ba sila ng pagkailang sa mga ginawa nilang eksena lalo na sa lovescene nila sa movie?

“Hindi naman. Sa katunayan, we’re very much comfortable with each other. Alam na namin kung paano magre-react ang isa’t isa sa mga eksena. Nandiyan na ‘yung chemistry namin on screen. Isa pa, nagkasama na kami noon sa teleseryeng Gumapang Ka Sa Lusak earlier this year. Kaya ‘yung mga love scenes at kissing scenes ay hindi na bago sa amin. Basta we just support each other sa lahat ng eksena na ginagawa naming,”tugon ni Dennis na Papang-Papa talaga ang itsura.

Ito raw na raw ang pinaka-daring na movie ni Jennylyn na ginawa dahil pumayag itong mag-topless dito. Ano ang reaksyon niya? “Hindi naman siya nagpakita ng kahit na ano kasi nakatalikod naman siya sa kamera.

Bale likod lang niya ang nakita. Anyway artista kami ni Jenn at bahagi na ito ng trabaho naming. Hindi ko kailangang mag-react kasi ang dami na ring pagkakataon na kailangan kong maghubad sa mga eksenang ginagawa ko. It’s all part of our work,”katwiran ni Dennis.

Si Jennylyn na raw ang babaeng nagpatino sa kanya nang husto. Kasi buhat nang nakarelasyon niya ang aktres ay wala nang ibang babaeng na-link sa kanya. “Ganun ba? E one-woman-man naman talaga ako eversince e. Ang press lang naman ang nagi-speculate na may overlapping na nangyari hahaha! But really Jennylyn is such a good influence sa akin. Wala na talaga akong masasabi pa sa kanya. She is very loving and patient.

Inaalagaan niya ako at inaasikaso nang husto. With a woman like that, hahanap ka pa ba ng iba?”pahayag ni Dennis na all smiles.

ANNE CURTIS, GSM 2011 CALENDAR GIRL

Anne Curtis ang 2011 calendar girl ng Ginebra San Miguel. Siguradong matutuwa ang male fans niya kasi may limang bersyon ang calendar poster bilang pagbibigay pugay sa mga ordinaryong Pinoy workers. Kaya makikita siyang naka-suot ng sexy outfit bilang mekaniko, babaeng military, construction worker, aviator at health & fitness enthusiast.

Tinanong namin siya kung may balak ba siyang to spend Christmas together with her French model boyfriend na si Erwan Huesaff? “Of course, definitely naman. This will be our first Christmas together so it’s kinda special for us. Hindi ko pa alam ang plans ni Erwan for us this Christmas. But whatever it is, alam kong join din ang family ko sa lakad. I’m very much happy and contented with Erwan. He is such a dear. But enough of him already kasi hindi naman siya nag-aartista kaya huwag na natin siyang pag-usapan. That will be unfair to him. He’s such a private person,”pahiwatig ni Anne.

CRISTINE REYES, MAINIT NA ANG PATUTSADA KAY SARAH GERONIMO

Mainit ngayon ang mga patutsada ni Cristine Reyes laban kay Sarah Geronimo sa mga tweets nito sa Twitter. Direktang sinabi ni Cristine na si Sarah ang naghahabol kay Rayver Cruz at hindi nito kasalanan kung nagkagusto ang hunk na young actor sa kanya. Ano ang reaksyon niya? “Naku, wala akong comment tungkol sa bagay na ‘yan. Ayokong makialam. Pareho silang close sa akin and I don’t want to take sides lalo na, iisa nga lang ang manager namin.

“Basta puro work lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon. 2011 would be a very busy year for me. Magsisimula nang ipalabas ang bago kong telserye na Green Rose sa ABS-CBN. Tapos I’m also doing a movie with Luis Manzano and Eugene Domingo for Viva. It will be a romantic comedy titled ‘Who’s That Girl?” tugon ni Anne. Tonee Coraza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply