Dennis Trillo, Jennylyn Mercado nagli-live in lang

DID you know na nagli-live in na raw sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo?

Yes, puwedeng sabihing nakaganda sa career ng dalawa ‘yung love affair nilang di naman ikinakaila. Kumbaga, suwerte silang dalawa na magkarelasyon. Para kay Jennylyn, sobrang laking break itong Rosario.

Maganda naman ang pagtatapos ng 2010 kay Dennis Trillo dahil pumirma siya ng bagong kontrata sa Regal Films.

Tatlong pelikula agad ang naka-line up na gagawin niya at ito ay ang Mahinhin vs Mahinhin na una niyang gagawin sa pagpasok ng taon 2011 with Ogie Alcasid,  Aswang at My Other Man.

Tinanong si Dennis ng press kung wala ba sa kontratang pinirmahan ang makakasama niya si Jennylyn Mercado sa isang pelikula, sagot ni Dennis wala raw.

Dahil open ang kanilang relasyon ni Jen, tinanong uli si Dennis kung anong plano nila ni Jennylyn for Christmas and New Year

“This Christmas, dito lang kami dahil may filmfest movie entry kami, pero sa New Year, baka pumunta kami sa Hong Kong kasama ang aming anak (Jazz, anak ni Jen kay Patrick Garcia) at (Calyx, anak ni Dennis sa isang beauty queen).”

Dadalhin daw nila ang kani-kanilang anak sa Disneyland at pagkatapos ng New Year,  balik-Pinas agad sila para tapusin ang mga trabahong dapat nilang tapusin.

AGA MUHLACH, NASA TV5 NA, ANGEL LOCSIN, SUSUNOD NA RIN?

Kumpirmado na lilipat at pumirma na raw ng kontrata sa TV5 si Aga Muhlach.

He formally signed a contract with them last week. Aga’s last show with ABS-CBN was “M3” with Ai Ai de las Alas that didn’t rate well.

“Bakit kaya hindi siya hinabol ng ABS?” asked one writer. “Para siyang sina Dolphy and Maricel Soriano that they willingly let go to move to TV5.”

Aga still has an unfinished movie with ABS, “Huling Sayaw,”  with Angel Locsin that’s temporarily shelved after its director, Rory Quintos, got sick.

Magsasama raw sina Aga at Willie Revillame sa isang malaking sitcom.

At ngayong nasa Kapatid network na si Aga, true kaya na si Angel Locsin naman ang kasunod? Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply