DENR vows to fight illegal logging, corruption

PRAYORIDAD ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapatigil sa illegal logging at korupsyon sa kagawaran.

Ito ang inihayag ni DENR Secretary Ramon Paje nitong Huwebes kasabay ng malawakang kritisismo mula sa lokal na grupo sa mga corrupt na opisyales ng ahensya, na umano’y nakikipagsabwatan sa mga illegal loggers.

“The DENR has not wavered in its fight against illegal logging and other environmental law violations,” pahayag ng kalihim. “Despite the threat and harassment, the government is making headways against illegal logging.”

Sinabi pa ni Paje na ang anti-illegal logging campaign ng departamento na “Oplan Kalasangan,” ay nakakumpiska na ng 2.9-milyong board feet ng torso na iligal na kinuha sa kagubatan ng Cagayan Valley at Eastern Mindanao simula pa noong Hulyo.

Binawasan ng departmento ang bilang ng forestry checkpoints sa bansa. Mula 274, naging 117 na lamang ang “essential” checkpoints matapos makatanggap ng mga ulat na may korupsyong nagaganap sa mga ito.

Siniguro din ni Paje na gumagawa ng mga hakbang ang mga forest protection officers para maproteksyunan ang kanilang mga sarili mula sa mga tinatanggap nilang pagbabanta sa kanilang buhay. Mga illegal logger at communist rebel umano ang mga nagbabanta sa mga nasabing officers.

Anang kalihim, nangako rin ang Palasyo na palalakasin ang anti-illegal logging task force ng departamento sa pamamagitan ng pagbibigay ng police at military assistance sa ahensya.

“We know very well the hazards being faced by our own people in the field… They are actually playing with death every time they are sent out to check on reports of illegal logging incidences. But then, this is our job,” dagdag ni Paje. Robert C. Ticzon

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply