DepEd warns teachers vs collecting fees for Xmas parties

BINALAAN ni Education Secretary Armin Luistro ang mga opisyal at guro ng mga pampublikong eskwelahan na huwag maningil ng anumang kontribusyon sa mga mag-aaral para sa Christmas party.

Ani Luistro, dapat sundin ang polisiya ng gobyerno na nagbabawal sa pangongolekta ng anumang fees mula sa mga estudyante.

Aniya, ang pangogolekta ng kontribusyon ay maaari lamang gawin para sa mga sumusunod: campus publications, Anti-Tuberculosis Fund, Parents-Teachers Association, Scouts of the Philippines, Girl Scouts of the Philippines, at Red Cross.

Kung mayroon mang mapapatunayang lumabag sa polisiya, hinimok ni Luistro ang publiko na i-report ito sa DepEd hotline 636-1663 o sa email address na action@deped.gov.ph

“I would like to remind our dear teachers and students to continue observing austere measures as they prepare for Christmas parties in schools. Let us remember that the true spirit of Christmas is not in grand celebrations but in spreading love and sharing our hearts to those who are in need this holiday season,” ani Luistro.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply