Deployment ng OFWs sa South Korea tuloy na

WALA nang hahadlang sa deployment ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea sa December 7.

Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang matiwasay na war exercises sa pagitan ng South Korea at Estados Unidos.

Matatandaang pinigil ng pamahalaan ang pag-alis ng Filipino workers patungo sa South Korea dahil sa tensyong dulot ng war exercises ng South Korea at Amerika na ikinagagalit ng North Korea.

Tiniyak rin ng DFA na walang dapat ikabahala ang pamilya ng mga Pilipino sa South Korea dahil tahimik sa ngayon ang sitwasyon sa naturang bansa.

Una rito, nagkaroon ng rekomendasyon ang crisis commitee ng gobyerno sa pamumuno ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo na ipagpaliban ang November 30 scheduled flight ng mga OFW habang tinitingnan pa ng mga awtoridad ang sitwasyon sa Korean Peninsula. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply