Desisyon ng SC ikinagalak ng pamilya Webb

IKINAGALAK ng kampo ng mga Webb ang desisyon ng SC sa Visconde massacre kung saan pitong mahistrado ang pumabor para mapawalang sala si Hubert Webb, apat ang for conviction at apat ang nag-inhibit.
Ayon  Kay atty. Demetriu Custodio, nangangahulugan umano iyon na nakamit na nila ang katarungan para kay Webb  Na 15 taong nakulong dahil sa nasabing kaso.
Ito na umano ang katapusan ng naging paghihirap ni Webb na nakulong sa pagkakasala na wla naman siyang kinalaman
Dahil dito, maihahanda na ni Webb ang kanyang sarili para magkaroon ng nararapat na pwesto sa lipunan at maipagpapatuloy na niya ang kanyang buhay bilang miyembro ng bansa.
Samantala, sinabi ni Custodio na hindi na bukas para sa apela ang desisyon ng Korte Suprema dahil acquittal ang naging desisyon nito at susunod naman nilang ipoproseso ang paglaya ni Webb mula sa bilangguan. Teresa Tavares
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply