Desisyon ng SC sa Vizconde massacre case ilalabas na

MALAKI ang posibilidad na maipalabas na ngayong araw ng Korte Suprema ang desisyon sa kaso ng Vizconde massacre.

Batay sa panayam ng DZMM kay Supreme Court Spokesperson at Court Administrator Midas Marquez, kasama sa mga agenda sa en banc session ng mga mahistrado ng Korte Suprema ngayong araw ang naturang kaso.

Pahayag pa ni Marquez, maliban na lamang kung ipagpapaliban ng mga mahistrado ang pagdedesisyon sa susunod na taon, posibleng pagbotohan na ngayon kung kakatigan o babaligtarin ang conviction sa pangunahing suspek na si Hubert Webb at apat na kasamahan nito.

Nauna nang na-convict sa Parañaque Regional Trial Court, na kinatigan naman ng Court of Appeals, sina Webb sa kasong paggahasa at pagpatay kay Carmela Vizconde at pagpatay sa nanay nitong si Estellita Vizconde at kapatid na si Jennifer noong 1991.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply