DFA diretso ang serbisyo sa mga tripulanteng Pinoy

PATULOY ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng New Zealand upang makapagbigay ng tulong sa tatlong Pilipinong nailigtas matapos lumubog ang isang South Korean fishing vessel.

Ayon sa DFA, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa naturang embahada upang matiyak na ligtas ang mga tripulanteng Pilipinong nakasama sa lumubog na barko.

Kinilala ang mga Pinoy na sina Carlo Castillo, Nickson Telete at Pilardo Mariano. Ang mga  kasama nila ay walong Koreano, walong Tsino, 11 Indonesian at Vietnamese  at isang Russian national.

Matatandaang lumubog noong ika-12 ng Disyembre ang barkong Number One Insung sa karagatan ng Antartica.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng rescue operations ang pamahalaan ng New Zealand upang matunton ang iba pang nawawalang crew member. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply