16 kuliglig drivers kinasuhan ni Dirty Harry

HINDI nagpatinag ang administrasyon ng tinaguariang Manila’s Dirty Harry sa mga nangunguliglig sa kalye.

Nitong Huwebes, 16 drivers ng motorized pedicab o “kuliglig” ang sinampahan ng mga kasong illegal assembly, obstruction, and assault ng city government na pinamumunuan ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Ang mga kasong isinampa ay kaugnay sa paglulunsad ng kuliglig drivers ng kilos protesta sa harapan ng Manila City Hall nitong Miyerkules. Ito ay matapos magpahayag si Lim na bawal nang bumiyahe ang mga nasabing pedicab sa mga pangunahing lansangad sa lungsod.

Ikinulong ang mga driver sa Manila Police District (MPD) Integrated Jail, habang ang mga babaeng nakasama sa inaresto ay dinala sa sa Department of Social Welfare and Development.

Patuloy na huhulihin ang mga kuliglig driver na magpupumilit pumasada sa mga pangunahing lansangan sa Maynila. Ito ay paglabag sa Executive Order No. 16 at 17, ayon kay MPD Deputy Director for Administration Senior Supt. Alex Guttierez.

Nananatili namang nagpapagaling sa United Doctors Medical Center si Police Officer 2 Adonis Aguilla. Nagtamo ng 15 stitches sa ulo ang pulis matapos siyang tamaan ng mga nagliliparang bato at bote habang sinasawata ng mga pulis ang pagpoprotesta ng pedicab drivers.

Ang 16 na inaresto ay kinilalang sina: Ito ay sina: Eddie Managuelod,50; Ato Ambag, 25; Kasir Morris, 28; Nelson Pineda, 35; Renato Palomo, 40; Mary Joyce Mangalili, 22; Marietta Comor, 42; Armando Cudiamat,43; Roberto Eugenio,17; Ricardo Dayanan,18; Allan Tayo, 35; Guiamel Mamoro, 26; Marvin Serrano, 25; Norjamil Daud, 31; Joey Macalino,42; at Eluterio Tisado, 53. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply