Diarrhea outbreak sa Danao City idineklara

NAGDEKLARA ng diarrhea outbreak sa tatlong lugar sa Danao City sa Cebu ngayong linggo makaraang may isa na ang namatay.

Ayon sa report ng dzBB , tinatayang 162 kaso na ang naitatala na may diarrhea sa mga residente ng Taboc, Taytay at Cambanay villages sa Danao City.

Nabatid na isang taong gulang na ang naitalang namatay sa Danao City hospital  dahil sa naturang sakit.

Ayon kay health officer Dr. Cristina Giangco sa isang panayam sa GMANews.TV, posibleng ang contaminated na tubig ang nagiging sanhi ng pagdami ng bilang na may diarrhea.

“The villages have a spring water source, which goes through a chlorinator and through a pump,” she said. “The chlorination system bogged down last week, so that may be the cause of the contamination.”

Sinabi rin ni Giangco na ang pag-ulan noong nakaraang linggo ay maaari ring nakapagpalala sa pagkakaroon ng kontaminasyon sa tubig.

Ayon kay Mayor Ramon Durano III, dumadagsa ang mga pasyente na may diarrhea  sa mga district hospital ng naturang lugar.

Dagdag pa ni Giangco, karamihan sa mga pasyente ay bata kung saan ina-admit sila sa hospital at binibigyan ng antibiotics.

Balak din umano ng city government na gamitin ang calamity funds pambili  ng mga gamot para sa mga apektado ng diarrhea.

Pinapayuhan naman ng Health Department ng Central Visayas district na huwag inumin ang tubig galing sa public water system maging sa paglalaba at paliligo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply