Diaz vs Frankel sa Enero 28

NAKAHANDA na si dating WBC lightweight champion David Diaz (35-3-1,17 KOs) sa kanya muling pagsalang sa ibabaw ng ring sa Enero 28 sa susunod na taon.

Si Diaz ay makikipagbasagan ng mukha kay Denver-based spoiler Robert “Red Hot” Frankel.

Ang ten round main event ng dalawa ay gaganapin sa Chicago ’s UIC Pavilion.

Nabatid na si Frankel (27-9-1, 4 KOs ) ay bumabaybay sa six bout winning streak.

Kabilang sa mga tinalo ni Frankel ay sina Ricardo Dominguez, Bobby Pacquiao, Ramon Montano at Derrick Campos.

Samantala, si Diaz naman ay isa sa mga nabiktima ni P4P king Manny Pacquiao kung saan naagawan pa ito ng WBC lightweight title ng Pinoy ring icon. Gilbert Perdes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply