DILG bumuo ng team sa pagtugis kay Sen. Lacson

UPANG mapadali ang pagtugis kay Sen. Panfilo Lacson, nagbuo na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng sariling tracker team.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, binubuo ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang nasabing tracker team. Bukod ang nasabinggrupo sa team ng NBI na nagsasagawa rin ng hiwalay na pagtugis sa senador.

Hindi naman idinetalye ni Robredo ang nasabing tracker team upang maiwasan umano na magkaroon ng bulilyaso sa kanilang gagawing istratehiya sa pagtugis kay Lacson na nahaharap sa kasong pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito.

Wala namang ibinigay na deadline ang DILG sa nasabing team para maaresto si Lacson.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply